See this page in: Portuguese, Spanish
To ChristianAnswers.Net homeTo ChristianAnswers.Net directory

Sunset. Illustration copyrighted. God is the Redeemer

Dumating si Hesus upang ipaliwanag ang katotohanan tungkol sa Diyos at upang magbayad para sa panghihimagsik ng tao.

Juan 1:18: “Walang taong nakakita kailanman sa Diyos; ang bugtong na Diyos, na nasa sinapupunan ng Ama, siya (Hesukristo), ang nagpakilala sa kanya.

Sinasabi ng 2 Corinto 5:21, “Hindi nagkasala si Kristo, ngunit dahil sa atin, siya’y ibinilang na makasalanan upang makipag-isa tayo sa kanya at mapabanal sa harapan ng Diyos sa pamamagitan Niya.” Sa ibang salita, namatay si Hesus dahil sa ating mga kasalanan, para hindi na tayo magbayad ng parusang kinakailangan ayon sa katarungan – magpahanggang kamatayan.

Jesus' Resurrection
Alamin ang tungkol sa Pagkabuhay Muli ni Hesus

Namatay si Hesus para sa ating mga kasalanan, at nagtagumpay laban sa kamatayan.

1 Corinto 15:22: “Sapagkat kung paanong mamamatay ang lahat dahil sa kanilang kaugnayan kay Adan, gayon din naman, mabubuhay ang lahat dahil sa kanilang kaugnayan kay Kristo” at (berso 54-57) “Kapag napalitan na ng walang pagkabulok ang nabubulok at napalitan na ng walang kamatayan ang namamatay, matutupad ang nasasaad sa Kasulatan: “Nalupig na ang kamatayan; ganap na ang tagumpay!” Nasaan, O kamatayan, ang iyong tagumpay? Nasaan, O kamatayan, ang iyong kamandag? Ang kamandag ng kamatayan ay ang kasalanan, at ang lakas ng kasalanan ay nagmumula sa Kautusan. Magpasalamat tayo sa Diyos na nagbibigay sa atin ng tagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Hesukristo!”

Si Hesukristo ang tanging paraan upang mapatawad ang ating mga kasalanan at magkaroon ng relasyon sa Diyos na nagbubunga ng buhay na walang hanggan.

“Ngunit ipinadama ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Kristo para sa atin noong tayo’y makasalanan pa” (Roma 5:8). Sumagot si Hesus “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makapupunta sa Ama kundi sa pamamagitan Ko” (Juan 14:6).


Isinalin ni: Kat Francisco

To Next Page