Ang The Da Vinci Code ba ay “ang pinakamalubhang pagsalakay laban sa Kristiyanismo”?



Copyrighted photograph

Hindi lihim na ang Kristiyanismo sa USA, UK at sa ibang bansa ay napapailalim sa matinding pagsalakay mula sa media, sa mga paaralan, sa mga hukuman, at madalas, pati sa mga simbahan. Sa isang kultura na naglalayong bigyan ng masamang pangalan si Hesukristo at ang Kanyang Salita, ang teologo (at pastor sa kalakhan ng Chicago) na si Dr. Erwin Lutzer ay gumawa ng ganitong obserbasyon: “Ang The Da Vinci Code ay ang pinakamalubhang pagsalakay laban sa Kristiyanismo na aking nasaksihan.”[1]

Dahil sa matapang na paglalahad na iyon, suriin natin ang lubhang tanyag na nobela ni Dan Brown, ang malapit nang ipalabas na pelikula ng parehong pangalan at ang posibleng epekto nito sa simbahan at kultura.

Ang nobela

Copyrighted photo.

Bagaman pinapaniwala sa atin ni Dan Brown na “ang lahat ng paglalarawan sa sining, arkitektura, dokumento, at lihim na ritwal sa nobelang ito ay tamang-tama,”[2] Ang The Da Vinci Code ay likhang-isip lamang, kumpleto sa kasangkapan ng mabubuting tao, masasamang tao at makitid na pagtakas. Ang bida, isang cryptologist ng Harvard na si Robert Langdon, ay isang walang kibong karakter na kaunti ang kasalimuotan. Isa pa, ang pabagu-bagong pangyayari sa balangkas ng nobela ay madaling hulaan, at ang paraan ng pagsulat, kahit na minsa’y maganda ang pagkakasulat, ay hindi natatangi. Ito ay panlibang bilang “sikat” na likhang-isip na nobela,[3] ngunit hindi isang klase ng nobelang matatagalan ang pagsubok ng panahon upang maging isang klasiko. Ngunit, ang The Da Vinci Code ay naging sikat sa buong mundo.

Ang naghahatak sa nobelang hindi naman kaakit-akit ay ang pangunahing teoryang nagsasabing si Hesus ay ikinasal kay Maria Magdalena. Pagkatapos ng kamatayan ni Hesus, umalis umano si Maria kasama ng kanilang anak at sa paglipas ng panahon ay naging simbolo ng “banal na kababaihan” ng sinaunang paganismo.

Ang teoryang ito ay hindi bago kay Dan Brown; kahit sinong pormal na estudyante ng kasaysayan ng eklesiyastika ay pamilyar sa sinauna (ngunit lumalayo sa katotohanan) na tradisyon, na matagal nang itinuturing kasinungalingan (heresy) ng mga Katoliko at mga Protestante rin.[4] Gayon man, kailangan lamang magsaliksik (at hindi man napakalalim) sa “historikal” na basehan para sa tradisyong ito upang mapapaniwalang ito ay likhang-isip lamang.

Sina Michael Baigent, Richard Leigh at Henry Lincoln[5] ay gumawa ng ganitong pahayag ukol sa kanilang sariling pananaliksik:

Ang aming layunin ay ang maghanap sa [Mabuting Balita] — upang makahanap ng mga piraso ng posibleng katotohanan…mga pirasong maaaring magpatotoo sa kasal nina Hesus at ang babaeng kilala bilang ang Magdalena. …Upang mahanap ito, aming naisip, na kailangan naming tarukin ang malalim na kahulugan, punan ang mga patlang, at harapin ang ilang mga bagay na maaaring may ibang kahulugan. Kailangan naming harapin ang pagkaalis ng ilang bahagi, ang mga bagay na iba ang nais na iparating, at ang ibang hindi malinaw ang ibig sabihin. [6]

Copyright, Universal Studios

Ngunit ang pagsalakay laban kay Kristo at ang Kanyang Salita, ang Bibliya, sa The Da Vinci Code ay mas malalim kaysa sa panibagong pagtingin sa nasabing teorya. Sa pamamagitan ng pagtanim ng butil ng pag-aalinlangan sa isip ng mambabasa tungkol sa paraan ng pagkakabuo ng Bibliya, ang nobela—at maaaring isama na rin ang pelikula—ay nagiging direktang pagsalakay laban sa kapangyarihan ng Ebanghelyo. Ayon sa likhang-isip na historyador ni Ginoong Brown na si Leigh Teabing,[7] ang Romanong Emperador na si Constantino ay namili sa mga lumang ebanghelyo, at pinili niya ang mga naaayon sa kanyang pulitikal na adhikain, upang mabuo ang kasalukuyang Bibliya habang hindi ipinakikita ang ilang mahahalagang dokumento.[8] (Sa totoo, ang canon ng Ebanghelyo ay hindi pa napag-uusapan hanggang namatay na si Constantino—ang Kapulungan ng Nicene sa panahon ni Constantino ay mas pinahahalagahan ang tungkol sa pagiging diyos ni Kristo.) Ang “likhang-isip” na pag-aaral sa kasaysayan ni Brown ay mala-akademikong kasinungalingan na matagal nang napatunayang hindi totoo ng mga iskolar ng kasaysayan at bibliya.[9]

Ang Golden Ratio

Copyrighted photograph

Nababanggit sa libro si Leonardo Fibonacci di Pisa, isang matematiko noong ikalabintatlong siglo na nakatuklas ng isang serye ng numero na may kakaibang katangian.

Ang pagkakasunud-sunod ng numero na natuklasan ni Fibonacci ay nagsisimula sa sero, kasunod ang isa, at ang susunod na numero ay ang kabuuan ng naunang dalawang numero (0, 1, 1, 2, 3, 5, 8, 13, atbp.) Pagkatapos ng ilang numero, ang ratio sa pagitan ng kahit anong dalawang numero sa pagkakasunud-sunod ay 1.618 (i.e., ang ikalawang numero ay mas malaki sa nauna nang 1.618).

Paano nagiging mahalaga ang pagkatuklas na ito, at paano ito maiuugnay sa kontrobersya ng pagkakalikha/pagbabago? Ang ratio na 1.618, kilala sa mga Griyego bilang ang Divine Proportion o Golden Ratio, ay matatagpuan kahit saan, kapwa sa kalikasan at sa sining, musika at arkitektura. Makikita ito sa paikot na hugis sa pinecones, pinya, kabibe, sungay, sunflowers at marami pang iba; ito ang ratio sa pagitan ng buto ng ating mga daliri, braso, at binti. Ang bilang ng dahon o petalo sa halaman ay kadalasang numerong Fibonacci; ito ang dahilan kung bakit ang bulaklak na may limang petalo ay mas kaakit-akit kaysa sa isang may apat na petalo lamang.

Ang ating paningin ng kagandahan ay kadalasang (kahit na hindi sadya) nakabase sa 1.618 na ratio. Sa kaalamang ito, ang mga mangangatha ng tugtugin at mga pintor—kabilang na si Leonardo da Vinci—ay kadalasang ginagamit ang Divine Proportion sa kanilang mga likha. Habang ang mga ginigiit ni Brown tungkol sa bagay na ito ay bukas sa katanungan o ganap na mali,* ang pagiging ganap ng Divine Proportion, o phi, sa kalikasan ay kapansin-pansin at nakatala. Mahirap mag-isip ng mas malakas na ebidensya para sa disenyo, ngunit ang mga likhang-isip na karakter ni Ginoong Brown ay nagbibigay ng maling resulta.**


* Ang pahayag ni Brown, halimbawa, na ang ratio ng babae sa lalaking bubuyog sa “kahit anong tahanan ng bubuyog sa mundo” ay phi; Brown, ph. 94.

** “Nang matuklasan ng sinaunang tao ang PHI, sigurado silang nahanap nila ang haligi ng Diyos upang mabuo ang mundo, at kanilang sinamba ang Kalikasan dahil doon.” Brown, ph. 95.

Ang walang kaalam-alam lamang ang maniniwala sa pahayag ng isang likhang-isip; ngunit ang nakalulungkot na katotohanan ay marami na ang walang kaalam-alam tungkol sa Salita ng Diyos, at mas masama pa, marami ang desperadong makahanap ng dahilan upang hindi maniwala at sundin ito.[10] Para sa kanila, ang matalinong pagtakip ng kasinungalingan sa The Da Vinci Code ang kailangan nila upang magpatuloy sa pagtanggi sa kapangyarihan ng Bibliya.

Ngunit sa kaganapang ito unang maipakikilala sa mga mambabasa ang napakagandang paksa ng “Fibonacci Sequence at Divine Proportion.” Tingnan ang sidebar para sa marami pang kaalaman tungkol sa kapansin-pansing ebidensya ng paglikha, hindi pagbabago.

Ang pagsalakay

Sa gayon, tama ba ang pastor na si Lutzer na tawagin ang The Da Vinci Code na “pinakamalubhang pagsalakay laban sa Kristiyanismo” ng ating panahon? Maaaring malapit na siya sa katotohanan, sapagkat ang pinakamalubhang pagsalakay laban sa Kristiyanismo at kay Hesukristo ay, at noon pa man, ang sadyang pagsalakay laban sa Kanyang Salita. Ngunit sa labang ito, ang The Da Vinci Code ay isang maliit na salik sa mas malaking pangamba. Ilang teologo at lider na Kristiyano ang nakikipag-away laban sa isang mababang klase ng likhang isip, habang patuloy na itinuturo na hindi mapagkakatiwalaan ang Salita ng Diyos sa lahat ng 66 na aklat, lalo na ang Genesis? Ang The Da Vinci Code ay mawawala rin sa usapan, habang ang henerasyon ng mga Kristiyano ay patuloy pa rin sa di pagtitiwala. Dito nagsisimula ang totoong labanan.

Kung piliin man o hindi ng isang tagasunod (nang kanyang sariling pagpapasiya) na basahin ang The Da Vinci Code o panoorin ang pelikula, mahalagang malaman niya ang lahat ng aspekto ng pagsalakay laban sa Salita ng Diyos—ano mang uri ito—at “humanda kayong lagi na magpaliwanag sa sinumang magtatanong sa inyo tungkol sa inyong pag-asa” (1 Pedro 3:15) upang dahan-dahan at matalinong malagpasan ang mga harang sa mabuting balita ni Hesukristo.

Batayan

  1. Binabanggit sa cnn.com, March 28, 2006. Bumalik sa teksto.
  2. Dan Brown, The Da Vinci Code (New York: Doubleday, 2003) ph. 1. Bumalik sa teksto.
  3. Pagkakaiba sa likhang-isip na may klasipikasyong “literaryo”; ito ay ginagamit ng mga tagalimbag at mga may-akda. Bumalik sa teksto.
  4. Una kong nakasalubong ang teoryang ito habang nag-aaral ng Bagong Tipan sa isang kolehiyong pambibliya; nakatagpo ko ito muli sa isang likhang-isip na akda na nauna sa The Da Vinci Code nang ilang taon. Bumalik sa teksto.
  5. Ang mga may-akda ng Holy Blood, Holy Grail Delacorte Press, 1982; sina Baigent at Leigh ay natalo sa korte laban kay Brown tungkol sa paglabag sa kopirayt. Bumalik sa teksto.
  6. Binanggit sa www.equip.org/free/DH228.htm. Bumalik sa teksto.
  7. Ang Teabing ay isang anagram ng Baigent. Ngunit pinili ito ni Brown upang mabigyan ng pangalan ang kanyang “eksperto”; ito ay galing kina Michael Baigent at Richard Leigh, na nagharap ng kaso sa kanya sa korte (tingnan ang panlimang talababa). Bumalik sa teksto.
  8. Brown, ph. 231-235. Bumalik sa teksto.
  9. Maraming magagaling na artikulo at akda na may layuning pabulaanan ang mga pahayag ni Dan Brown ay maaaring kunin. Isang matulunging gabay ang The Real History Behind The Da Vinci Code ng (sekular) na historyador na si Sharan Newman, Berkeley Books, New York, 2005. Gayunman, maaari po lamang na gamitin ito—at ibang kagamitan—tulad ng mga Bereans (Acts 17:11). Bumalik sa teksto.
  10. Mga Taga-Roma 1:25. Bumalik sa teksto.

May akda: Melinda Christian, Answers in Genesis USA

Kopirayt sa teksto © 2006, Answers in Genesis USA, Karapatang Ari—maliban sa nababanggit na kasama ng “Paggamit at Kopirayt” na pahina na nagbibigay sa mga gumagamit ng ChristianAnswers.Net ng karapatang gamitin ang pahina para sa kanilang tahanan, personal na layunin, simbahan at paaralan. Mga larawan at layout kopirayt, 2006, Films for Christ.

Associates for Biblical Research

Karagdagang Impormasyon

  • Pahina ng Christian Spotlight sa pagsuri ng pelikula: The Da Vinci Code
  • The Da Vinci Code Message (on-line audio) ng kasapi ngChristian Answers, Ray Comfort (Living Waters / Way of the Master)
  • Isang alamat lamang ba si Hesukristo? Kasagutan
  • Isang tao lamang ba si Hesukristo, o isang Diyos? Kasagutan
  • Kung si Hesus ay Diyos, paano siya namatay? Kung namatay si Hesus sa krus, paano siya buhay ngayon? Kasagutan
  • Si Hesukristo ba ay ang Diyos na nagkatawang-tao? Kasagutan
  • Diyos ba talaga si Hesukristo? Kasagutan
  • Kung si Hesus ay ang Anak ng Diyos, bakit Niya tinawag ang sarili Niya na Anak ng Tao? Kasagutan
  • Trinity – Paanong magiging tatlo ang isang Diyos? Kasagutan
  • Pagkatao - Ang pagkatao ba ni Kristo ay nakikibagay sa kanyang sinasabi? Kasagutan
  • Napawalang-bisa ba ng agham ang mga himalang nagawa ni Hesukristo? Kasagutan
  • Nagkasala kaya si Kristo? Kasagutan
  • Arkeolohiya - May natagpuan na bang libingan para sa mga taong naging bahagi ng buhay at kamatayan ni Kristo? Kasagutan
  • Maria Magdalena
  • Paano natin malalaman kung totoo ang nilalaman ng Bibliya? Kasagutan
  • Paano ba magiging makatotohanan ang Bibliya kung sinulat ito ng mga taong makasalanan? Kasagutan
  • “The Jesus Seminar” - Ang pagpuna ba nila ng mabuting balita ay makatotohanan? Kasagutan
  • “The Jesus Seminar” - Para kanino ba sila nagsasalita? Kasagutan
Jesus Christ: His Identity, Life, Death and Resurrection
Tungkol kay HESUKRISTO
Sagot sa mga katanungan

ChristianAnswers.Net
Christian Answers Network
PO Box 577
Frankfort KY 40602
USA


ChristianAnswers.Net
CAN Home
Shortcuts
HOMEPAGE at TALAAN ng Christian Answers Network
Isinalin ni: Kat Francisco

Go to index page